God made a way, just when there seemed to be no way
Maraming bagay na hindi natin maipaliwanag pero pilit na ipinaglalandakan sa harap ng ating mga mata ang tunay nitong layunin. At minsan, sa hindi natin pagbigay ng pansin, kusang gumagawa ito ng paraan para magparamdam sa pamamagitan ng mga bagay na hindi natin inaasahan.
At sa aking patuloy na paglilihim, isa lang ang aking natutunan: walang sekretong hindi mabubunyag.
Marahil ay may dahilan Siya, dahilan na marahil nagtagal muna sa pagkikimkim bago ko makita sa aking mga mata. Ang sarap mabunutan ng tinik. Walang kasing sarap.
At sa aking patuloy na paglilihim, isa lang ang aking natutunan: walang sekretong hindi mabubunyag.
Marahil ay may dahilan Siya, dahilan na marahil nagtagal muna sa pagkikimkim bago ko makita sa aking mga mata. Ang sarap mabunutan ng tinik. Walang kasing sarap.
Pasubali
Kung pwede lang
'wag mo na 'tong iwasan
at 'wag mo ring
ituring na biro
di mo inaasahan
pero sana'y
'wag ipinid ang pinto
itikom ang bibig
mata'y ibaling sa'kin
pakinggan mo ang sasabihin ko
kailan mo ba matututunan?
kailan mo ba 'pagsisigawang
'di mo na 'pagkakailang tayo?
kay rami nang pinagdaanan
ano pa ba ang 'yong kailangan?
nagususmamo na sabihin mo
ang diwa ko'y
tigib sa kaiisip
sa sarili'y laging
may kinikimkim
patuloy lamang bang
mananaginip?
at mananatili lang
na nakapikit?
ako'y mayro'ng batid
ito'y iyong pag-amin
hindi na natin maiiwasan 'to
Kung pwede lang
'wag mo na 'tong iwasan
at 'wag mo ring
ituring na biro
di mo inaasahan
pero sana'y
'wag ipinid ang pinto
itikom ang bibig
mata'y ibaling sa'kin
pakinggan mo ang sasabihin ko
kailan mo ba matututunan?
kailan mo ba 'pagsisigawang
'di mo na 'pagkakailang tayo?
kay rami nang pinagdaanan
ano pa ba ang 'yong kailangan?
nagususmamo na sabihin mo
ang diwa ko'y
tigib sa kaiisip
sa sarili'y laging
may kinikimkim
patuloy lamang bang
mananaginip?
at mananatili lang
na nakapikit?
ako'y mayro'ng batid
ito'y iyong pag-amin
hindi na natin maiiwasan 'to
<< Home